Atty. Saladero profile

SINO SI ATTY. REMIGIO D. SALADERO JR. ?

Si Atty. Remigio D. Saladero, Jr. o si “Atty. Ming” sa atin, ay ipinanganak sa Nuralah, South cotabato noong ika-27 ng Enero 1959. Panganay sa apat na anak nina Remigio Saladero Sr. at Thelma Damandaman na kapwa guro. Si Atty. Saladero ay agad nagpakita mg gilas sa kanyang pag-aaral mula sa elementarya sa Sto. Nino Elementary School, sa Koronadal National High School. Ang kanyang unang kurso sa kolehiyo ay sa Mindanao State University kung saan niya natapos ang AB Political science. Sa lahat ng ito, nanguna si Atty. Saladero sa larangan ng akademya. Nuong 1979, matapos maging Cum Laude ay ipinasya niyang lumuwas ng Maynila upang ipagpatuloy ang kanyang napiling karera. Nag-aral siya ng batas sa San Beda College at ipinasa ang Bar Examinations nuong 1984, sa rating na 88.95%, bilang pang labing pitong pinakamataas na grado.

Katutubo kay Atty. Saladero ang maging masaliksik at mapanuri. Mahal niya ang aklat at panulat. Mula’t mula pa ay alam na niya ang larangan ng kanyang napusuan, ang pag-aaral, mas malalim na pag-aaral.

Muli, sa pagitan ng pagtatrabaho ay nag-aral siya sa Unibersidad ng Pilipinas at natapos ang dalawang (2) mas mataas na antas, Master in Industrial Relations (major in Labor Management) at Master in Public Administration. Kahit kailan ay hindi naging hadlang ang labis na pagtatrabaho at pagod.

Si Atty. Saladero ay unang nagtrabaho bilang Personnel Specialist sa Civil Service Commission nuong 1983 hanggang 1985. Matapos maipasa ang bar exams ay pumasok siya bilang Assistant Attorney sa Del Rosario and Del Rosario Law Offices nuong 1985 hanggang 1986.

Taong 1987 hanggang 1990 ay naglingkod naman siya sa gobyerno sa Citizens Legal Assistance Office (na ngayon ay Public Attorney’s Office) bilang Public Attorney ll.

Naging bahagi rin si Atty. Saladero ng akademya. Taong 1992-1995, siya ay nagturo ng Business Law at Political Science sa Dominican College; at Labor Relations sa Lyceum College of Law nuong 1995-1996.

Sa kanyang pag-iisip ay batid niya na mayroon pang mas mahalaga sa katanyagan at sa pagkita ng pera. He knows his calling.

Simula Oktubre 1990 hanggang sa kasalukuyan, si Atty. Saladero ay abogado ng National Federation of Labor Unions (NAFLU-KMU) na walang humpay na nagtatanggol sa mga manggagawang tinanggal sa trabaho, sinuspinde, nakawelga at sinampahan ng kung anu-anong kaso. Napakahalaga ng kanyang naging papel noong taong 1993, nang siya ay tuminding at nanindigan sa patuloy na pagtataguyod ng Tunay, Palaban at Makabayang Unyonismo.

Sa kasalukuyan ay siya rin ang Chief Legal Counsel ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at Chairman ng Pro-Labor Assistance Center (PLACE), na ang pangunahing pinaglilingkuran ay ang mga mahihirap at pinagsasamantalahang mga manggagawa at mga maralita.

Si Atty. Saladero ay matapat na tagapagtanggol sa karapatan ng mga manggagawa at mamamayan. Mas pinalawak pa niya ang kanyang paraan ng pagtulong sa mga manggagawa hindi lamang sa apat na sulok ng hukuman. Ang pagtuturo sa mga ito at pagpaparinig ng mga iba’t ibang anggulo ng kaso ay ginawan din niya ng paraang makarating sa ating mga manggagawa. Mayroon siyang kolum, isang lingguhang isyu sa Pinoy Weekly, na ngayon ay online na. Isa itong progresibong pahayagan kung saan tinatalakay ang iba’t ibang kaso at kung paano ito magiging ilaw sa katarungan ng paggawa. Paminsan-minsan ay naaanyayahan din siya sa radyo upang magpaliwanag at diretsong marinig ng mga manggagawang nais magtanong at maliwanagan tungkol sa isyu sa paggawa.

Masigla ang kanyang pakikipag kapwa tao hindi lamang sa kanyang mga kliyente at kakilala, maging sa kanyang mga kapwa abugado kung saan ang pagtulong at pagsulong sa karapatang pantao ay numero unong layunin.

Siya ay naging kasapi ng Movement of Attorneys for Brotherhood, Nationalism and Integrity, Inc. (MABINI) noong 1987; ng Free Legal Assistance Group (FLAG); naging Most Exalted Leonum ng kanyang panahon at kasapi ng Lex Leonum Fraternitas ng San Beda College of Law.

Nang magkaroon ng Bayan Muna Party List, taong 2001, siya ay naging Chairman ng Bayan Muna Party List sa Rizal hanggang bago mag eleksyon nuong 2007. Sa ngayon, siya ang kasalukuyang Ingat Yaman (Bayan Muna-Rizal).

Dahilan sa kanyang Commitment to Human Rights and Dedicated Service to Political Prisoners, si Atty. Saladero ay ginawaran ng Plaque of Appreciation ng Task Force Detainees of the Philippines noong Oktubre 19, 1994. Noong Nobyembre 19, 2005, siya ang kauna-unahang nakatanggap ng Natatanging Alumni on Labor Leadership at Advocacy na iginawad ng University of the Philippines, School of Labor and Industrial Relations.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: