Saladero’s message from prison

Mensahe ni Atty. Remigio Saladero Jr.

Taos puso kong pinasasalamatan ang inyong pag-alaala sa akin at sa aking mga kasama dito. Nakikiisa kami sa inyong mithiin at panalangin na sana kami ay makalaya na.

Sa kabila ng aming kalagayan ngayon, makakaasa kayo na kailanman ay hindi namin bibitawan ang ating mga prinsipyo at paninindigan. Ang aming pagkakulong ay lalong nagpatibay nito. Malinaw na pinakita nito na ang lipunang ating ginagalawan at ang mga batas na umiiral dito ay hindi mga makatarungan. At kailangan natin ang sama-samang pagkilos upang baguhin ito.

Kung sa ginawa nilang pagkukulong sa amin ay inaakala nila na mababawasan ang ating hanay, kung sa akala nila hihina ang mga boses na tumutuligsa sa pamahalaan at titikom ang mga labi na sumisigaw ng pagbabago, nagkakamali sila. Alam namin na lalong lalakas ang ating hanay at lalo tayong magiging pursigido hanggang maabot natin ang minimithi nating tagumpay.

Tandaan nating ang maari nilang ikulong o ipiit ay ang ating pisikal na katawan lamang. Ang katumpakan ng ating mga ideya at kawastuhan ng mga prinsipyong ating pinaglalaban ay hindi nila maaring ipiit o ikulong kahit kailanman.

Muli, maraming salamat sa inyong pakikiisa mga kasama. Kung kami rito sa kulungan ay nananatiling matatag, tiyak na ganun din kayo. Umaasa kami na sa aming paglaya ay lalong lalakas, lalong lalawak at lalong tatatag ang grupong naniniwala sa tunay, palaban, at makabayang unyonismo.

Mabuhay kayo! Mabuhay ang uring anakpawis! Mabuhay ang Sambayanang Pilipino!

* Binasa ni Mrs. Maricel Saladero, Nobyembre 13, 2008 sa launching ng Free Atty. Saladero Coalition

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: