Dinukot na abogado, kolumnista ng Pinoy Weekly nakadetine sa Calapan City

Original URL

Jeffrey Ocampo/Pinoy Weekly

posted 24-Oct-2008

NAKADETINE si Atty. Remigio Saladero, beteranong labor lawyer, sa provincial jail sa Calapan City, Mindoro Oriental kung saan binabantayan siya ng kanyang mga kaanak at mga miyembro ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at Center for Trade Union and Human Rights.

Kinumpirma ni Ricardo Padilla, regional police chief ng Calabarzon, na inaresto si Saladero ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa probinsya ng Rizal noong gabi ng Oktubre 23 at dinala sa Camp Vicente Lim sa Laguna. Inilipat siya sa Mindoro Oriental bandang 6:30 ng umaga ngayon, Oktubre 24.

Inaresto si Saladero sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong multiple murder at multiple frustrated murder na isinampa sa Regional Trial Court ng Calapan City.

Sa Nobyembre 27 gaganapin ang arraignment kay Saladero, ayon sa KMU.

Bago inamin ng PNP na nasa kanilang kamay si Saldero, hindi alam ng mga kaanak ng biktima kung saan ito dinala matapos arestuhin.

Ayon kay Maricel, asawa ni Saladero, nadatnan niya ang kanilang tahanan sa Antipolo na bukas ang pintuan. Magulo ang loob nito at may nawawalang gamit kabilang na ang laptop, cellular phone, at CPU ng kompiyuter.

Kamakailan, kinasuhan din si Saladero, kasama ng 26 pang lider-aktibista sa Timog Katagalugan, ng arson, destruction of property, at conspiracy to commit rebellion para sa panununog diumano ng cell site ng Globe Telecom noong Agosto sa Lemery, Batangas.

Si Saladero, Chief Legal Counsel ng KMU, ay nagsusulat ng regular na kolum sa Pinoy Weekly. Pinamagatang Husgahan Natin, tinatalakay kanyang ng kolum ang karapatan ng mga manggagawa at mga desisyon ng korte hinggil sa mga isyu sa paggawa.

Siya ang board chairman ng Pro Labor Legal Assistance Center, humahawak ng mahigit 700 kaso ng mga manggagawa. Founding member din siya ng National Union of People’s Lawyers at Free Legal Assistance Group. Nag-aral ng abogasya sa San Beda College, nagtapos si Saladero na #17 sa Bar Exams.

Mayroon siyang master’s degree na Industrial Relations at Public Administration sa University of the Philippines Diliman. Nagturo siya ng Political Science, Business Law, at Labor Law sa Dominican College of San Juan at Lyceum College of Law.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: