Simula 2003, nagsusulat ng lingguhang kolum si Atty. remigio D. Saladero Jr. sa pahayagang Pinoy Weekly, isang lingguhang magasin sa Pilipino. May print edition ang Pinoy Weekly hanggang Hulyo 2008 at ngayo’y nagpapatuloy sa paglathala online. Pinamagatan ang kolum ni Atty. Saladero na Husgahan Natin, na tumatalakay sa mga kaso sa paggawa at iba pang isyu ng mga manggagawa, at ng iba pang mga paksa hinggil sa pagtaguyod sa mga karapatang pantao. Isa ang kanyang mga kolum sa pinakaaabangan ng mga manggagawang mambabasa ng Pinoy Weekly. Pumunta rito para basahin ang kanyang mga kolum.